Login via

Greek 1: The Alpha's Bride novel Chapter 16

Kabanata 15:

I'm jealous

________

Clarity

" Bes, hindi mo sinabing hot ang fiance mo. Kilig ako. Errr. Akin nalang--- "

" Tatahimik ka o gusto mo pang bigyan kita ng ipis? "

" Ahm... "

Nilingon ko si Celine at nag-form siya nang-zip sa bibig niya. Inirapan ko lang siya at pinagpatuloy ko nalang ang pagpunit ng papel na may pangalan ng babaeng maharot na yon. Gigil niya si ako!!

" Pero bes, bakit hindi kaya tayo makapasok don? Hindi naman siguro ganon katigas ang katawan ng babaeng 'yon, no? Nag-joke ka lang kanina diba? Hehe! "

I sighed. Yeah, hindi naman talaga ganon katigas ang katawan ng Sarfie na 'yon. In fact, ang lambot nga ng katawan niya. Hiphop dancer, siguro.

Hiphop?!

" Yeah. Tama ka! "

" Baka may magic sila? Tingin mo? "

" Baliw! "

Arghh!! Naiinis na talaga ako! Binato ko yung papel na may pangalan nang Sarfie na 'yon at bigla akong tumayo. Whooo! I need air! I need! I need.

" Ohhh? Saan ka pupunta? "

" Magpapahangin lang. Labas muna ako. "

Kinuha ko ang cardigan ko sa sofa at lumabas na rin ng apartment ko. Naiinis na rin ako kay Celine kanina eh! Kanina niya pa sinasabing ang hot hot ni Kier at ang hunk daw! Kainis! Nagseselos si ako!

" Miss, pasipa ng bola. "

Nilingon ko ang paanan ko nang may maramdaman akong bagay na huminto doon. Bola pshhh! Tinitigan ko ang nagsalita at ganun nalang ang pagkagulat ko sa nakita ko, " Sir Migz? "

" Clarity? "

Tinitigan ko si Sir Migz mula ulo hanggang paa at hindi ko napigilang mamangha. Mas nagmumukha siyang hot dahil sa tagaktak niyang pawis na bumaba papunta sa biceps and then sa abs---- Wait! What am I saying?!

" What are you doing here? "

Umismid ako dahil sa tanong niya, " Why? Bawal na ba akong pumunta dito sa park? "

" What--- No! I mean, it's been a while! How are you? "

How are you how are you pa siya! Eh, tinanggal niya nga ako sa trabaho tapos tatanungin niya ako ng ganoong bagay? Nahihibang na ba siya?!

" Okay lang ako! Mas okay pa sa okay! "

" Ohhh-- okay! "

Ngumiti lang siya sa akin kaya napa-poker face ako. Hindi niya siguro alam ang salitang sarcastic! Siguro absent siya ng ituro ang salitang 'yon! Gawwddd!

" Let's... ahm... "

" Mag-coffee tayo? Libre mo? Sige! "

Hindi pa siya nagsasalita nang bigla na akong maglakad. Bahala siya diyan! Hindi nalang kase ako diretsuhin! Pautal-utal pa ang gago eh!

Nang makapasok kami sa Flores Cafe ay naghanap na agad ako ng mauupuan. Namataan ko ang isang bulto ng isang lalaki. Lumapit-lapit pa ako doon hanggang sa mapagtanto ko kung sino. Si Kier kasama si Miss Maton!

Agad nag-init ang ulo ko sa nakita ko. Grrr! Bakit niya naman kasama ang maton na 'yon? Nakakainis!

Naghanap ako ng upuang malapit sa pwesto nilang dalawa. Rinig na rinig ko ang hagikhikan nilang dalawa kaya mas lalo pa akong nainis. Tsk tsk.

" Owemji! Really Kier? Where is it? Gusto kong makita? "

" Hahaha. Later. "

" Bakit hindi pa ngayon? I think, dala mo naman. "

" Nope. Nasa office ko. Sa sofa. "

" Tsk. Kainis ka! "

" Hey--- hahaha! "

Waaahhh! Nakakainis talaga! Bakit kapag ako ang kausap niya hindi siya nagtatagalog?! Bakit kapag itong maton nasobrahan naman yata siya?! Hindi na makatarungan!

" Hey, what's the matter? "

Hindi ko namalayang nasa harapan ko na pala si Sir Migz. Lumingon ulit ako sa pwesto ng dalawa at nakita kong pinupunasan ni Sarfie ang gilid ng labi ni Kier! Maharot!

" Hey---- "

" Nothing. Just don't mind me. Let's drink? "

" Ahm... yeah! "

Ngumuso nalang ako at humigop ng inorder ko. Nakakainis! Nasisira ang magandang ambiance nitong cafe dahil sakanilang dalawa.

" Clarity, if you don't mind... ahm... pwede bang ikaw nalang ulit ang secretary ko? "

Comments

The readers' comments on the novel: Greek 1: The Alpha's Bride