Login via

Greek 1: The Alpha's Bride novel Chapter 28

Kabanata 27:

Together again

______________

Leewier

"What happened? Bakit puro kalmot siya?!"

Inobserbahan ko ang mga kalmot ni ate Clarity sa braso niya. Hindi ko pinansin ang sinabi ni Kuya Kaleb dahil ang buong atensiyon ko ay na kay ate Clarity.

I know this scratch. Isang tao lang ang kilala kong kayang gumawa ng walong kalmot sa isang iglapan lang, at yon ay walang iba kundi si Sarfie.

"Leewier! Answer my goddamn question!"

Kunot noo kong hinarap si Kuya Kaleb. Bakit ba niya sa akin tinatanong kung bakit may kalmot si ate Clarity?! Ako ba ang kinalmot para malaman ko yon?!

"Shut up! Hindi ko rin alam, okay? Magkasama tayong dalawa ng mangyari ang insidenteng ito."

"Walang tayo, Leewier."

I just frowned by his answer. Tama bang isagot iyon? Porket sinabi kong magkasama kaming dalawa?! Huh, Insane!

I just rolled my eyes. Mahirap makipagtalo sa taong mukhang gago.

"Hoohh! Sabi ko na nga ba ganto ang aabutin ni Clarity sa oras na mag-tagpo ang landas nilang dalawa. Alam kong galit si Sarfie kay Clarity pero hindi niya gagawin ito ng walang mabigat na dahilan. I guess, may nasabing iba si Clarity."

"Like what?"

He just shrugged his shoulders. I sighed. This is the reason why I hate Sarfie. Paano kung may masabi si Kuya sa kanya na kakaiba, ganto rin ba ang gagawin niya sa alpha?

"Kailangan na nating tulungan si Clarity, Leewier. Tayong dalawa lang ang makakatulong sa kanya at si C."

Lumingon ako sa kanya at ngumisi, "Correction, walang tayo."

____________

Ethan

"Go back here son. As soon as possible."

Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi ni ama sa kabilang linya. Kapupunta ko palang dito kahapon tapos uuwi na agad ako? What is that?

And besides, isang Clorste palang ang nakukuha ko.

"Why? Isang Clorste palang ang nakukuha ko, ama. May labing siyam pang kulang."

"Forget about that first. The Luna have sick. You need to be here."

"L-luna? Sarfie is sick?"

"No... The first one."

Naputol na ang tawag sa kabilang linya kaya naibaba ko ang telepono ko. Luna? As far as I know, ang totoong Luna ay nasa mortal world, pero bakit siya nandito?

And, bakit ko naman kailangang pumunta doon? She's not even my Luna. Sarfie is my Luna. Iniling ko nalang ang ulo ko. Wala naman akong magagawa.

-

"Son, come here."

Lumapit ako sa ama ko ng tawagin niya ako. Nakatuon lang ang buong atensiyon ko sa babaeng taimtim na nakahiga sa sofa.

Pinalilibutan siya nila Kuya Kaleb, Leewier, Ama, Ina, Tita Queenly at si Tito Lei. Hindi ko alam kung bakit labis nalang ang pag-aalala nila sa kaniya?

Siya. Siya dapat ngayon ang asawa ko. Pero bakit hindi siya ang nakatuluyan ko? She's the Luna and I'm the Alpha. Bakit ang Omega ang nakatuluyan ko?

"What's her name?"

"She is your CL, and you're her EK. Remember?"

Pilit kong inalala ang sinabi ni ama. CL? Ang natatandaan kong CL ay ang babaeng kababata ko noon? She's probably my 'baby'!

"What happened to her?"

"You're wife beat her up."

"Sarfie?"

My mother just nod at my question. Lumapit lang ako ng lumapit kay CL hanggang sa kitang-kita ko na ang mukha niya. She's beautiful.

Bakit naman siya sinaktan ni Sarfie? Tinignan ko ang buong katawan niya at puro kalmot iyon. Napansin ko rin ang paso niya sa balikat niya. Bakit 'to gagawin ni Sarfie sa kanya?

"Kuya, may nararamdaman ka ba para sa kanya?"

"Leewier!"

Nagsalit ang paningin ko kay Ina at kay Leewier. Anong ibig sabihin ni Leewier sa tanong niya, "What do you mean?"

"Don't mind her, Alpha. I'm sorry."

Nagawi naman ang paningin ko kay Tita Queenly ng bigla siyang magsalita. Tumayo na silang lahat bago yumuko sa akin. Iniwan nila akong mag-isa kasama ang Luna.

Comments

The readers' comments on the novel: Greek 1: The Alpha's Bride