Login via

Greek 1: The Alpha's Bride novel Chapter 46

Kabanata 45:

Giving Up

__________

Clarity

Nakatunganga lang ako sa kwarto ko. Hindi ko binalak na lumabas ng aking kwarto ng mangyari ang senaryong iyon sa pagitan naming dalawa ni Kier. Nakakalungkot isipin...

Doon na pala kami magtatapos.

Nang dahil sa akin nawala siya.

Magdadalawang linggo na akong hindi kumakain at hindi pumapansin sa mga taong nakapaligid sa akin.

Kahapon ay may nilusot na papel si Celine sa ibaba ng pintuan ko. Tinignan ko iyon at ang nakalagay sa papel ay natapos na... natapos na ang sumpang ako mismo ang gumawa.

Pero wala na sa akin si Kier.

Makukuntento na ba ako sa pagtingin sa kaniya sa malayo? Walang komunikasyon? Hindi ko matiis namakita siyang lalagpasan lamang ako sa daan.

Kahit hindi ako lumalabas ng kwarto ay alam ko pa rin ang nangyayari sa buong Blisk Dynasty. Naging magulo ito at usap-usapan ang nangyaring pag-uusap naming dalawa ni Kier.

Hindi naman siguro sila chismoso't chismosa no?

Para sa mga Prekh, ang Alpha ang mas mahalaga kesa sa Luna. I don't know why. Siguro dahil mas nakasalamuha nila si Kier dito sa Blisk Dynasty.

Ayos na e. Nasa amin na ulit ang Vleryt Dynasty at maayos iyong napapamahalaan ni Ama at Ina kahit wala na ang Kuya ko. Perpekto na sana ang buhay ko pero may naging problema na naman...

Hindi ko alam kung bakit hindi ako nauubusan ng problema.

I heard a continuous knock at my door. Ginamit ko ang kapangyarihan ko upang malaman kung sino iyon.

Si Leewier.

"Come in."

Bumukas ang pintuan ko. Masamang nakatitig sa akin si Leewier habang naglalakad palapit sa kinaroroonan ko. Ngumiti ako ng makalapit siya sa akin pero napawi iyon ng malakas niya akong sinampal.

Napabaling ang mukha ko sa ibang direksiyon.

"How could you?! Nagawa mo na iyon pero ang lakas pa rin ng loob mong ulitin!"

Tumulo ang luha ko. H-hindi...

H-hindi ko naman sinasadya.

"L-Leewier... patawad."

She smirked with what I said, "Really? Talaga ba? Should I laugh?"

Akmang hahawakan ko ang kamay niya pero mabilis niya iyong nailayo sa akin at binigyan pa ako ng isang sampal, "Leew! Stop!"

Napaupo ako sa sahig dahil hindi ko na kinakaya lahat ng pinagdadaanan ko. Masyado na akong nasasaktan... Hindi ko maatim na tumitig sa kanila.

"Kuya Kley naman! Papatawarin na naman natin siya?"

"No... I mean oo. Umuwi na tayo. Naghahanda na ang Alpha."

Lumaki ang mata ko dahil sa narinig ko. Alpha? Si Kier. Nasaan siya?

"Fine! We're not yet done, Luna."

Narinig ko ang yabag ni Leewier paalis ng kwarto ko. May pares ng paa akong nakita sa harapan ko, "Get up, Luna."

Itinayo ako ni Kley at pinunasan ang luha ko, "Hindi ko dapat ito ginagawa pero ng malaman ko ang nangyari ng dahil kay Celine ay nabago ang isip ko."

Tinignan ko siya. Tinutulungan niya ako dahil kailangan hindi dahil sa gusto niya. From the start, I know that he doesn't like me. Alam na alam ko iyon. Bakit niya ako tutulungan kung si Celine lamang ang dahilan?

Comments

The readers' comments on the novel: Greek 1: The Alpha's Bride