Login via

In A Town We Both Call Home novel Chapter 12

PAKIRAMDAM ni Jake ay may namuong bara sa kanyang lalamunan nang makita ang anak sa hardin ng bahay ni Lea. Tahimik ito at para bang napakalayo ng tingin habang pilit itong kinakausap ng ina nito. Simula nang mailabas ito sa ospital mahigit dalawang linggo na ang nakararaan ay hindi pa rin ito nagsasalita. Ayon sa doktor ay wala namang napinsala sa ulo nito. Pero malaki daw ang posibilidad na na-trauma ang bata sa nangyari kaya ito nagkakaganoon.

But Jake knew better. It was because of him.

It had always been because of him.

Alam niyang kung hindi lang dahil kay Janna ay ipina-ban na siya ni Lea sa village na iyon. Marahas siyang napabuga ng hininga. Kahit paano ay malaki ang pagpapasalamat niyang palapit na ang summer break nina Janna sa eskwela nang mangyari ang insidente. Hindi maaapektuhan nang husto ang pag-aaral nito. Kung magkakaroon ng himala at makakapagsalita ito sa mga darating na linggo, makakapasok itong muli.

Unti-unti ay lumapit si Jake sa anak. Sa bawat paghakbang niya ay pabigat nang pabigat ang loob niya. Araw-araw ay pinupuntahan niya ang anak. Kung pwede nga lang na mag-camping na siya sa hardin ay gagawin niya pero duda siya kung hahayaan iyon ni Lea. Dahil pinapapasok man siya nito sa bahay nito ay para bang nagmamadali rin itong paalisin siya kaagad.

Because his presence meant pain. Hindi man nito iyon direktang masabi ay nararamdaman niya iyon. At naiintindihan niya ito. Nag-aalala itong mas masaktan si Janna sa tuwing nakikita siya. Iyon mismo ang dahilan kaya bihira siyang makadalaw sa bahay na iyon. Kung bakit gustuhin niya man ay hindi niya magawang magpakita nang husto sa anak.

Hindi niya matagalan ang panliliit na nararamdaman sa harap ng mismong anak. Pati na ang piping pangunguwestiyon sa inosenteng mga mata nito na alam niyang dala ng pagkakahiwalay nila ng tirahan at ng marami pang bagay tungkol sa pamilya nila na hindi naman dapat nararanasan nito. Idagdag pa roon ang pang-uusig ng konsensiya ni Jake. Hindi niya matagalan ang sakit na alam niyang pare-pareho nilang nararamdaman sa tuwing nagkikita sila. Hindi niya matagalan ang katotohanang siya ang dahilan kung bakit itinakwil si Lea ng sariling mga magulang nito. He never wanted to hurt her. Pero parati niya na lang itong nasasaktan. Napakalaki ng isinakripisyo nito para sa kanya. And every single day since then, he had lived with regrets.

Hindi kahit minsan naging madali para kay Jake ang malayo sa sariling anak. He had never been so happy over a single smile until Janna smiled to him for the very first time. Before he became a father, he didn’t know how life could be so meaningful. Ipinagmamalaki niya ang kanyang anak. Hindi niya nga lang maiparamdam iyon nang maayos dahil sa sitwasyon nila. Dala man nito ang apelyido niya ay hindi pa rin sapat iyon. Nag-alala siyang isapubliko ang tungkol rito at magkaroon ito at ang mga nakapaligid rito ng mas maraming tanong kung bakit hindi sila kasal ni Lea lalo at masyado pang bata ang anak para maunawaan nito ang totoong nangyayari.

“Hello, princess.” Pilit na pinasigla ang boses na bati ni Jake sa anak nang makalapit na rito. Agad namang nagpaalam si Lea na may aasikasuhin na muna sa kwarto nito. Malungkot na tinanaw niya ang pagpasok ng dalaga sa loob bago niya ibinalik ang atensiyon sa anak. Nahuli niya itong nakatitig sa kanya. Inginuso niya ang stool sa tapat nito. “May I?” Nang tumango ang bata ay mabilis siyang naupo. “How are you today, princess?” Inabot niya ang mga kamay nito. “Daddy missed you. I wish I could hear you say you miss me, too. I miss your beautiful voice a lot, you know.”

Matipid na ngumiti lang ang bata.

Nagsikip ang dibdib ni Jake. Inilapit niya ang stool na kinauupuan sa tabi ng anak at maingat na hinawakan ang mga pisngi nito. “Janna, kung masama ang loob mo kay Daddy, sabihin mo. I would rather hear you say it. Kesa naman ‘yong ganito. ‘Wag tayong ganito, please?”

Nag-iwas ng mga mata ang bata.

“My… wedding didn’t take place. I’m so sorry about that, princess. Maraming bagay ang akala ko ay hindi ko pa pwedeng sabihin sa ‘yo noon. I worry that you wouldn’t understand. Nalimutan kong matalino pala ang anak ko sa kabila ng murang edad niya. Nalimutan kong napalaki ka nang maayos ng Mommy mo kaya siguradong mauunawaan mo ako sa dulo. Janna, your Mommy and I do love you so much. Hindi ko man ‘yon madalas naipapakita pero mahal na mahal kita.

“Alam mong wala nang family si Daddy. Naipaliwanag ko na sa ‘yo kung paano sila namatay. You also knew that before your Mommy and I became parents, we were the best of friends. Pero may… nangyari.” Sa kauna-unahang pagkakataon ay paliwanag ni Jake. “Ten years ago, out of guilt, I considered it as a mistake. Pero hindi na ngayon. Ikaw ang pinakamagandang bagay na nangyari sa buhay ko, Janna. Pero hindi ako makalapit sa ‘yo, sa inyo ng Mommy mo. Because I was scared.” Nag-init ang mga mata niya. “I felt like I already ruined your mother’s life. I’ve been causing her so much pain long before you were born. I was so afraid that I would also ruin yours should I try to come closer. Dahil lahat na lang ng mga taong mahalaga sa akin, nasasaktan ko. Napapabayaan ko.”

Sandaling naipikit ni Jake nang mariin ang mga mata nang maalalang kahit si Diana, ang nag-iisang babaeng nagpatibok sa puso niya ay nasaktan niya rin. Dahil hindi rin siya umamin rito. That was when he realized that nobody can stop the pain. Kahit na gaano mo pala kamahal ang isang tao, hindi mo masasalo ang sakit para sa kanya. All you can do was just to be there when that person was in pain.

“Pagdating sa inyo ng Mommy mo, wala na akong tiwala sa sarili ko. I would often see the pain in her eyes every time she looked at me. And I couldn’t stand it. And you… you were beginning to look at me the way she does. And believe it or not but it hurts. Masakit dahil parang mula’t sapul, wala na akong pag-asang makabawi pa sa inyo. I’m so sorry, Janna. I wish you can tell me how I could make it up to you. Nakahanda si Daddy na gawin ang lahat para makabawas man lang sa sama ng loob mo.”

“S-stay.”

Nabigla si Jake. Isang salita lang iyon pero kahit paano ay nakaramdam siya ng pag-asa. Mabilis na niyakap niya ang anak. Nang maramdaman niya ang pagganti nito ng yakap ay tuluyan nang pumatak ang luha niya.

Bahala na. Pero mananatili siya gaya ng sinabi nito.

TATLONG magkakasunod na katok ang pinakawalan ni Lea sa pinto ng kwarto ni Janna bago siya tuluyang pumasok. Naabutan niya ang anak na nakahiga na sa kama nito, patalikod sa direksiyon niya. Hindi nakaligtas sa kanya ang paghikbi nito. Sandali siyang napahinto sa paglapit. Pakiramdam niya, simula nang naging isang ina siya ay dumami na ang mga kahinaan niya.

First was Jake. Second was everything that includes their daughter. Totoong napakadali lang ang maging ina. Pero napakahirap ang magpakaina. Lalo na sa mga sandaling iyon.

Being a mother, she realized was loving your child first before yourself, it was setting aside your happiness. Napahugot si Lea ng malalim na hininga. Narinig niya ang lahat ng naging pag-uusap nito at ni Jake sa hardin. Dahil nagising na ang anak, naging madali kahit paano para sa kanya ang umunawa. Nasa sala pa rin ang binata na iniwan niya pansamantala matapos ipaalam sa kanya ang tungkol sa hiling ng anak. Dahil gusto niyang makausap na muna ang huli.

Maingat na nahiga si Lea sa tabi ni Janna. Marahang niyakap niya ito mula sa likod. Ipinikit niya ang mga mata at isinandal ang noo sa balikat nito. “Talk to me, sweetheart. Please. Tell me everything that you want to say. Makikinig si Mommy. Promise.”

Comments

The readers' comments on the novel: In A Town We Both Call Home