Login via

Once Upon A Time novel Chapter 11

“I THINK Adam is falling in love with you. Tama naman siya, eh. Iyong mga ginagawa niya para sa ‘yo, ngayon niya pa lang ginawa ‘yon sa buong buhay niya. I’ve never seen him acted that way before.”

Agad na nagmulat si Selena nang maramdaman ang pagdistansya sa kanya ni Dean matapos niyang ipaliwanag rito ang mga napag-usapan nila ni Adam. Ilang segundo pa lang simula nang mawala ang mga braso ng binata na nakayakap sa kanya mula sa kanyang likuran pero ganoon na lang katindi kaagad ang kawalan na nararamdaman niya.

Nasa maliit na terrace sila ng cottage nang mga sandaling iyon sa pribadong resort sa Batangas na pagmamay-ari ng pamilya ni Chynna. Nauna si Selena roon noong umagang iyon at sumunod sa kanya si Dean bandang gabi. Hindi na sila pwedeng makita ngayon sa mga pampublikong lugar bilang bahagi ng pag-iingat nila.

Pinigilan niya sa braso si Dean nang tangkang papasok na ito sa cottage nila. Dalawang kwarto iyon kaya walang problema. Bukod pa roon ay gentleman ang binata. Kahit pa magsolo sila sa iisang lugar ay hindi siya nag-aalala.

Malinaw na makikita ang pinaghalong kirot at pag-aalala sa mga mata ni Dean nang humarap ito kay Selena.

“Selena, hindi kaya…” His voice trailed off. “Hindi kaya nabigla ka lang nang ako ang piliin mo? You loved Adam once and he seems to love you now. May oras ka pa kung tutuusin para itigil ito at itama ang lahat. Malaya ka pang bumalik sa kanya tutal ay kayo naman talaga ang para sa isa’t isa-”

“So you’re just giving me away?” Hindi makapaniwalang tanong ni Selena. Parang bigla ay gustong sumama ng loob niya sa binata.

“Hell, it’s not that!” Para namang natetensyong naihilamos ni Dean ang palad sa mukha nito. “Kaya kitang pasayahin. Kaya kitang mahalin. Kaya kong gawin ang lahat para sa ‘yo, Selena. Pero natatakot rin ako minsan na baka hindi maging sapat para sa ‘yo ang lahat-lahat ng kaya ko. You’re simply up there. You are the Avila’s princess. You are the society’s famous Selena Avila. Everyone look up to you. Habang ako… ganito lang.” Walang buhay na natawa ang binata. “Luging-lugi ka masyado sa isang tulad ko. You deserve a prince, Selena. And never a prince’s subordinate.”

Pigilan man ni Dean ay hindi maitatanggi ang insecurity sa boses nito. Awtomatikong nalusaw ang sama ng loob ni Selena. Pero iba ang pumalit roon. Sakit. Nasasaktan siya para sa binata. Nasasaktan siya sa kaisipang ang sirkulo mismong ginagalawan nila ang siyang isa sa mga nagbigay ng maling impresyon ng binata tungkol sa sarili nito.

“Hold my hand.” Mayamaya ay sinabi ni Selena.

Inabot ni Dean ang palad ni Selena at agad na hinagkan iyon. Rumehistro ang guilt sa anyo nito. “I’m sorry for being a pain in the ass. Dapat hindi ako nagpadala sa emosyon ko. Dapat-“

“Ayoko nang hahawakan mo ako ‘tapos bibitawan mo ako. I’ve had enough of that with Adam. So it’s either you hold me forever or you let me go now, Dean. Pero bago ‘yon gusto kong malaman mo na kapag nagmahal ako, hindi ako nabibigla lang. When I say yes to someone, I mean that. Ikaw ang pinili ng puso ko, Dean. And you will never be just a prince’s subordinate to me. Hindi ka kailanman magiging kung sino lang para sa akin. If I’m a princess then you are my prince. And you are everything to me.”

Nang unti-unting masilip ni Selena ang pagliliwanag ng mukha ni Dean ay hindi na nakatiis na pinitik niya ang tungki ng ilong nito. “Paano mo naisip na hindi sasapat sa akin ang isang tulad mo? Samantalang ‘yong pagmamahal mo, ‘yon ang pinakakailangan ko.”

“I’m sorry.” Hinapit siya ng binata sa baywang. “Unang kita ko pa lang sa ‘yo sa mansyon, pinangarap na kita. And sometimes, it’s just hard to finally accept the fact that my dream is now in front of me. Dahil hindi ko naman inakalang magiging posible ‘to. Nahahawakan, nayayakap at nahahalikan ko ang mismong pangarap ko. Bakit pa ba ako nagkakaganito?”

Ipinaikot ni Selena ang mga braso sa batok ng binata. “Sige nga. Kung pangarap mo talaga ako, iparamdam mo nga.” Nanunukso nang sinabi niya. “Make it up to me.”

Gumanti ng ngiti ang binata. “How?”

“Own me tonight. Make me feel completely yours tonight.”

Pilyong ngumiti si Dean. “Sa lahat naman ng pinagawa mo sa akin, ‘yan ang pinakanagustuhan ko.” Anito bago maalab na hinagkan si Selena sa mga labi na buong-puso niya namang tinugon. Binuhat siya ng binata nang hindi naghihiwalay ang kanilang mga labi. Dinala siya nito sa kanyang kwarto at dahan-dahang ibinaba sa naghihintay na kama.

Walang pagmamadali sa kilos na inalis ni Dean ang mga saplot ni Selena. Nang bumungad rito ang kabuuan niya ay muling gumuhit ang sinserong ngiti sa mga labi nito. Rumehistro ang pagkamangha sa mga mata nito na sandaling pinagsawa ang mga mata sa nakikita.

“Have I told you just how beautiful you are, mahal?”

Matamis na napangiti si Selena. Mahal. Ngayon lang siya tinawag ni Dean ng ganoon. And she realized she liked that endearment. She liked that better than the princess he often called her. Dahil mas punong-puno iyon ng emosyon. Sa simpleng salita na iyon ay naroroon na ang lahat ng gusto niyang marinig.

“Every single day, mahal.” Ganting-bulong ni Selena. Muling nag-init ang mga mata niya. Dahil sadyang ganoon si Dean. Araw-araw ay ipinaparamdam nito sa kanya kung gaano siya kamahal nito na siyang nagpapatunaw parati ng puso niya. And he would compliment her every day. She would always catch him looking at her like she was the most beautiful woman he had ever seen. Kaya araw-araw siyang mas nahuhulog rito.

Kung tutuusin ay nasa binata na ang lahat. He was perfect. Just as he is.

Comments

The readers' comments on the novel: Once Upon A Time