Login via

Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman novel Chapter 23

“Heh.”

Kutya ni Jeremy. Tinitigan niya si Madeline gamiti ang kanyang mga maitim na mata.

“Madeline, minaliit kita. Nagawa mo pa bayaran ang mga dokto dito para magsinungaling sila sakin tungkol sa pagbubuntis mo. Sa tingin mo ba tanga ako? Sa tingin mo ba malilinlang mo ako ng ganun lang kadali?”

Tumingala si Madeline habang umiiyak. “Hindi! Hindi ako nagsinungaling sayo Jeremy! Bakit ako magsisinungaling sayo tungkol doon? Nagdadalang tao talaga! Jeremy, hindi ka ba naniniwala sakin? Hawakan mo tyan ko. Nandito talaga ang sanggol...”

Tumayo si Madeline gamit ang lahat ng kanyang lakas at hinawakan ang kamay ni Jeremy. Gusto niya na paniiwalaan siya ni Jeremy. Nais niyang maramdaman ang buhay na namumuo sa kanyang tyan.

Subalit tinapik lang palayo ni Jeremy ang kanyang kamay.

Umalis ka sa harapan ko! Wag mo kong hawakan gamit yang napakadumi mong kamay!” Kita ang galit sa mga mata ni Jeremy. “Hindi ka buntis. Pero kahit buntis ka talaga, ipapa-abort ko ‘yan dahil hindi ka karapat dapat! Madeline, hindi kailanman magkakaron ng pagkakataon sa akin ang isang babaeng katulad mo!”

“Jeremy!” Nang makita ni Madeline na paalis na si Jeremy, hinabol niya ito kahit na paika-ika. Hinawakan niya ang braso ni Jeremy. “Jeremy, wag ka umalis. Sinabi mo sakin na poprotektahan mo ko habang buhay! Ako si Linnie. Nakalimutan mo na ba? Jeremy...”

Nagmakaawa si Madeline na manatili siya, ngunit na-trigger si Jeremy sa sinabi niya. Isang iglap lang, nakaramdam siya ng isang malakas na aura ng kamatayan. Sa sumunod na segundo, tinulak siya sa sahig ni Jeremy. Agad din na napahawak si Madeline sa kanyang tyan dahil sa sakit. Habang umiiyak, nakita niya ang nakakatakot na ekspresyon sa mga mata ni Jeremy. “Madeline, dapat lang na mamatay ka.”

“Jeremy...” Nagsimula ng pawisan si Madeline dahil sa sakit na kanyang nararamdaman. Subalit, agad na umalis si Jeremy pagkatapos bitawan ang mga masasakit na salit. Hindi siya nag-alala sa kalagayan ni Madeline.

Tumayo si Madeline mula sa sahig at napangiti ng mapait. Bumubuhos ang luha mula sa kanyang mga mata.

‘Jez, hindi na ikaw ang lalaki na kilala ni Linnie...’

Pagkalipas ng mga sumunod na araw, hindi na nagpakita pa si Jeremy. Wala mang lang pagkamusta sa kanya. Para bang nakalimutan na niya si Madeline ng tuluyan.

Comments

The readers' comments on the novel: Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman