Login via

Greek 1: The Alpha's Bride novel Chapter 37

Kabanata 36:

The traitor

_____________

Ethan

"Ethan?"

Napalingon ako sa pintuan ko ng bumukas iyon. Nakangiting kumakaway sa akin si Sarfie kaya napakunot ako ng noo.

Anong ginagawa niya sa opisina ko?

"Need anything?"

Pumasok siya sa opisina ko while she's scanning the whole place, "Dinner?"

Napasapo ako sa noo ko ng maalala ko ang pinangako ko sa kaniya kahapon. Tss. You're stupid Kier, you have a lot of works to do!

"Alpha, nasa labas ang Delta."

Sabay kaming napalingon sa pinto at nakita namin si Mitch na may dalang baso na puno ng dugo. I shook my head. Meron na naman ba?

"Kier, are we going to eat-"

"Next time."

Tumayo ako sa pagkakaupo ko sa upuan ko at nilampasan si Sarfie. Naabutan kong nakangusong nakatitig sa akin si Leewier, "Kailangan mo?"

"How are you?"

Kumunot ang noo niya, "Pinapunta mo ako dito para tanungin 'yan? Well, I'm perfectly fine."

Tumango lang ako sa sinabi niya.

Hindi ako okay Kuya.

Nagpantig ang tenga ko ng marinig ko ang boses ni Leewier sa tenga ko. Nang lingunin ko siya ay naglalakad na siya palayo sa akin.

"Kuya!"

Humahangos na tumatakbo si Kley papunta sa kinaroroonan ko. Nang makarating siya sa harapan ko ay bumuntong hininga siya, "Nawawala ang clorste ng Prekh at Brejik!"

Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya. Paanong-?!

"What do you mean?!"

Tumakbo ako papuntang basement habang nakasunod sa akin si Kley. Pabalabag kong binuksan ang pintuan at tumambad sa akin ang mga tulog nilang mukha.

"They are all sleeping."

I faced Kley, "Why?"

"I don't know! Pumunta lang ako dito para puntahan ang Hari at Reyna pero ito ang naabutan ko. Tinignan ko ang pulso nila at hindi ko nakita ang clorste nila."

Nasuntok ko ang isang container na punong-puno ng dugo at bumagsak iyon sa sahig. Nakarinig kami ng munting hikbi galing sa isang mga pintuan.

"What's that?"

Naglakad ako sa kinaroroonan ng mga hikbi. Sinipa ko ang pintuan at tumambad sa amin si CL na maraming kalmot sa mukha't braso.

"CL!"

Nilapitan ko siya at agad niyakap. Tinanggal ko ang busal sa bibig niya kaya mas lalo naming narinig ang hikbi niya.

"Luna, what happened here?"

Tumingin sa mga mata ko si Clarity at nakita kong naging kulay pula ang mata niya kaya napaatras kaming dalawa ni Kley.

Hinawakan ko siya sa balikat niya.

Comments

The readers' comments on the novel: Greek 1: The Alpha's Bride