"I'M SORRY, Cassey."

"Sana, may magic ang sorry, 'no? Na kapag binanggit mo, automatic, magiging maayos na ang lahat," mapait na sagot ni Cassandra. Hindi niya nilingon ang kapatid kahit naramdaman niyang tumabi ito sa kanya sa veranda. Alam niyang dapat ay kahit paano, magpasalamat siya kay Throne dahil sa bahay nito siya pansamantalang tumutuloy habang naghahanap pa siya ng matitirahan. Pero hindi niya mapilit ang sariling hindi maging sarkastiko.

Nagpatuloy si Cassandra sa pagtanaw sa madilim na kalangitan. Kung sa ibang pagkakataon siguro ay napangiti na siya sa mga bituing para bang basta na lang isinaboy sa kalangitan, dahil sa nakalipas na mga taon ay iyon ang nagsilbing karamay niya.

Walang gabing lumipas noon na hindi siya nakatanaw sa langit dahil ang mga bituin na iyon ang siyang nagsilbing inspirasyon niya para magpatuloy tuwing naduduwag siya. Iisipin niya lang na isa sa mga bituing iyon si Jethro at pinanonood siya ay ginaganahan na siya uli.

Natawa si Cassandra sa sariling kakornihan kasabay ng pagbagsak ng kanyang mga luha. Sa wakas ay hinarap niya na ang kapatid. "Ang dami kong 'bakit' na gustong itanong sa 'yo, kuya. Alam mo ba 'yon?"

"I'm sorry." Niyakap siya ni Throne. "I was just... afraid you'd change your mind and go back, Cassandra. Unti-unti, nakita ko noon na may nagagawa ka na para sa sarili mo, na nakakaya mo na kahit wala kami. When I saw you in France, I saw your wings slowly... spreading." Malakas na napabuntong-hininga ito. "Kung sinabi ko sa 'yo noon, siguradong magmamadali ka na sa pag-uwi at wala na namang mangyayari sa buhay mo."

Kumawala si Cassandra sa kapatid. "Pero, kuya, kaya nga ako umalis, para sa kanya. Alam mo 'yon. 'Tapos hindi mo sinabi sa aking nakahanap na pala siya ng iba at ikakasal na?" Nabasag ang boses niya. "Para naman akong tanga nito, nagsikap para sa wala."

Sa hindi na mabilang na pagkakataon ay pumasok sa isip ni Cassandra si Jethro pati na ang mga alaala nilang naghatid sa kanya ng lakas sa ibang bansa. Pero siyang nagbibigay naman ng lungkot sa kanya ngayon...

"IPAGDASAL MO 'ko, bro. I'll be asking for Cassandra's hand."

Napaawang ang bibig ni Cassandra sa narinig na pamilyar na boses na iyon ni Jethro. Hindi nakaligtas sa kanya ang kaba sa boses nito. Kumakabog ang dibdib na hindi niya na naituloy ang tangkang pagtulak sa pinto ng opisina nito na siguro ay nakaligtaang isara nang husto ng pumasok nitong bisita.

Parang sirang plaka na inulit-ulit pa ni Cassandra sa isipan ang narinig bago kinikilig na tinakpan ang bibig para maiwasan ang mapatili. Mula nang maging sila uli ni Jethro kulang dalawang taon na ang nakararaan ay pinakaaasam-asam niya na ang bagay na iyon. She had been dreaming to build a family with him and raise kids who would look exactly like him.

Hindi makapaniwalang napahugot siya ng malalim na hininga. Sino ang mag-aakalang seseryosohin pa rin ni Jethro ang isang tulad niya sa kabila ng mga nagawa niya rito?

ng isang fashion show sa Milan kung saan isa siya sa

kabila ng insidenteng iyon ay hindi niya naisip na

bihirang makita sa mga social gatherings ay lalo lang iyong nakadagdag sa curiosity ng mga babae rito. Hanggang isang araw ay may makulit na paparazzi ang pilit inantabayanan si Jethro na siyang dahilan para sa wakas ay makasilip ang publiko

Cassandra na si Jethro ang solong namamahala sa airline company ng pamilya nito mula nang mamatay ang dating gobernador na ama sa isang aksidente. Sa half Filipino-half Spanish na ama namana ni Jethro ang mala-Español na anyo. Marami nang napatunayan sa buhay ang binata kaya sino ba naman si Cassandra na isang

Pero maya-maya lang ay nabigla siya nang makarinig ng isang malakas na pagtikhim na parang nanggagaling malapit lang sa kanya. Paglingon niya ay naroon ang mismong nagpadala ng mga bulaklak, nakatayo di-kalayuan, habang muli

"'Wag kang mag-alala, may takot ako sa Diyos kaya

niya. "Kilala mo

And your gray eyes amaze me. Para bang ang daming gustong ipahiwatig. And your lips... parang bihirang ngumiti kaya kaabang-abang ang bawat paggalaw. Heck, ang sagwa na ba?" Mayamaya ay tumawa ang binata. "Pasensiya na, hindi kasi ako sanay sa mga ganitong bagay. Pero kung gusto mo pang pagtiyagaan ang mga kakornihan ko, pwede kang sumama sa 'king mag-dinner sa labas. And two things, either you find me cornier or

pagkakataon ay pagbibigyan niya ito. For he was everything a woman would ever wish to have. Binata, simpatiko, nagmula sa

tinanggihan pa rin ni Cassandra si Jethro nang mga

na 'yan,

Cassandra sa pagbabalik-tanaw nang marinig ang pagpalatak ng bisita ni Jethro na sa wakas ay nakilala niyang boses ni Vincent. Kaibigan ito ni Jethro at kasosyo sa negosyo na shopping mall na sinubukang itayo ng dalawa sa Tarlac na pumatok naman sa mga tao kaya pinagbabalakan na rin nilang magtayo ng isa pang branch sa kalapit-probinsya. "I mean, oo nga at modelo si Cassandra, mayaman at maganda. She's too beautiful, in fact. But man, there's nothing else that's beautiful about her aside from those." Napasinghap si Cassandra. "Let's recap. Nagloko siya, bro. Pumatol siya sa dating manager niyang may asawa't anak na. I can't believe you actually fell for her. Ang daming babaeng

siya nang mariin. Modelo rin ang girlfriend ni Vincent na si Amanda kaya hindi imposibleng hindi makarating sa lalaki ang balita, gaano man iyon

nakaraan. But the memories kept running with her... along with the people who could not seem to forget them. Mapait siyang napangiti. Kapag pala talaga nagkamali ang isang tao, hindi na iyon malilimutan ng iba. Puro pagkakamali na

Lending Company na ipinamana ng namayapa nilang abuelo na siyang kumupkop sa kanila mula nang maghiwalay ang kanilang

silang magandang alaala ng kuya niya sa kanilang mga magulang. Ang tanging natatandaan niya na lang ay ang pagtatalo ng mga ito

pagmamahal mula sa mga magulang na hindi na sila naalala pa mula nang maghiwalay. Ang abuelo naman ay hindi rin nila nakasundo. Ginawa sila nitong alila sa malaking bahay nito kapalit ng pagpapaaral sa kanila sa isang pampublikong paaralan sa kabila ng yaman nito. Kaya naman laking gulat nilang magkapatid nang sa kuya niya ipamana ng kanilang abuelo ang Madrigal Lending Company bago ito namatay. Kunsabagay, wala nang ibang magtitiyaga sa kompanya dahil mas piniling maging

sa mga magulang, ang magmahal at mahalin din. Kaya nang makilala niya ang

napasobra ang kanyang pagbibigay, binalewala niya ang katotohanang bawal na ang pagmamahal niya para rito dahil pamilyadong tao na ang lalaki. Nagkataong sa Canada nga lang nakabase ang pamilya nito. Mas pinairal niya ang puso kaysa sa isip lalo na nang malaman niyang

pa sa sarili niya hanggang sa naging parang droga ang pagmamahal na iyon na nagpahumaling sa kanya sa lalaki, dahilan para kahit ang sarili ay ialay

This is exclusive content from Dramanovels.com. Please visit Dramanovels.com to support the author and the translation team!

Comments ()

0/255